FIESTA 2 T'NALAK FESTIVAL
T’NALAK FESTIVAL
ANG T’nalak Festival, tinatawag ding Tinalak Festival, ay isang pagdiriwang tuwing Hulyo bilang pagkilala sa anibersaryo ng South Cotobato. Ginaganap ito sa Koronadal City, ang kabisera ng probinsya.
Kakaiba ang pangalan ng festival dahil hinango ito sa popular na makulay na piraso ng damit na hinabi ng mga babaeng T’boli.
Isang buong linggo ito ng makulay na selebrasyon ng probinsya, na nagpapakita ng pagkakaisa ng iba’t ibang paniniwala, kasama na ang mga Muslim, Kristiyano at mga paganong tribo.
Ang T’nalak ay isang uri ng damit na mula sa abaka, at kinulayan ng kakaiba. Ginagamit ito ng mga mananayaw tuwing may okasyon.
Nagsisimula ang pagdiriwang sa isang parada at cheer dance. Nagtitipon ang mga mananayaw ng iba’t ibang tribo, suot ang makukulay nilang damit, upang ipakita ang kanilang kultura.
Bahagi rin ng pagdiriwang ang mga fairs at bazaar, upang suportahan ng local na industriya ng probinsya.
ππππππππππ

Comments
Post a Comment