FIESTA 1 HINUGYAW FESTIVAL

                                         

Hinugyaw Festival


Ang Hinugyaw Festival ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Lungsod ng Koronadal bilang pagdiriwang ng pagkakatatag ng kanilang lungsod na noo'y Marbel Settlement District noong 1940. Nagkakaroon ng parada, pagtatanghal ng mga katutubong sayaw, palaro, paligsahan, at kung anu-ano pang gawaing nagpapakita ng mga tradisyon at kultura ng Koronadal.


Pinagmulan

Binuo ang Marbel Settlement District noong 10 Enero 1940 sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 141.

Naging munisipalidad ng lalawigan ng Timog Cotabato ang Koronadal noong 18 Agosto 1947 sa bisa ng kautusang nilagdaan ni Pangulong Manuel A. Roxas.

Noong 16 Agosto 2000, nilagdaan naman ni Pangulong Joseph Estrada ang Batas Republika Bilang 8803 na nagdedeklara sa Koronadal bilang isang lungsod, bahagi ng Timog Cotabato. Niratipika ito sa pamamagitan ng isang plebesito noong 8 Oktubre 2000.


Nagmula sa isang salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay “pagsasaya,” ang Hinugyaw ay isang makulay na pagdiriwang na naglalahad ng kasaysayan ng mga katutubo mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas at kung paano nabuo ang Koronadal sa kabila ng malawak na kultura.



 Hinugyaw Festival link

 

Street Dancing

                                                             HINUGYAW FESTIVAL




 😎😂😀👍

Comments

Popular Posts